At first, hindi kaagad ako nagtitiwala sa mga taong nakakachat ko hindi dahil wala akong tiwala for security ko lang kasi nowadays alam naman natin ang pakikipag eyeball sa hindi natin kakilala ay pwede din nating ikapahamak.
Una kong nakita ang Capricorn group sa friendster at sumali ako. May mga ilang friendster users ang nag add sakin pero isa lang ang nakita kong active and she really appreciates my post in bulletins at ang sukli ko sa kanya ay magpasalamat ng marami dahil sa pag puri niya sakin. Habang nagviview ako ng topics sa capricorn group nag post ako ng e mail ko sa yahoo messenger at inadd ako ni Tita.
One time nabati ako ni tita para mangamusta. Doon nagsimula ang pagcha chat namin ni tita. Sinabi niya sa akin na natutuwa siya sakin dahil sa mabait akong bata. Hehe. Nasabi niya din sakin na I have to deserve something. Natuwa naman ako kasi uuwi siya ng pilipinas para magbakasyon. Sinabi ko sa mama and papa ko na may pasalubong sakin si tita.
Natuwa din ang mama and papa ko and they gave a piece of advice na mag ingat lang kung sakali. Naniniwala naman akong kelangan ko din mag ingat. Nung sinabi na sakin ni tita na mag kita na kami bigla kong sinabi sa mama ko para samahan ako at sumama din ang lola ko. Nanay ko kung tawagin. Hehe.
Nagkita kami sa Jollibee and dun kumain. Inabot niya sakin ang webcam. Yoon daw ang regalo niya sakin and nagpasalamat ako. Nagkakwentuhan pa ang mama't nanay ko and nagpapicture bago mag paalam. At now nagkakachat parin kami at pagbumalik na daw siya sa states may regalo daw ulit ako. I wonder what is it? Hehe
And maraming salamat kay tita kasi napakabait niya sa kapwa.
.jpg)


0 comments:
Post a Comment