Friday, January 29, 2010

YHAWAZZAF

Yhawazzaf ( y-an ang samahang h-owever a-ng pagdaanan w-alang a-aliz z-ama z-ama a-lwayz until f-orever ). paano nga ba nabuo yan? nakaupo lang kasi ako sa upuan tapos nabuo na yan kasama ako. haha joke lang.

bago pa man magsimula yang pangalan na yan magkakaibigan na kami. syempre dahil sa akin tong blog at ako ang nagkukwento sa akin ko uunahin kung paano ko sila nakilala. haha una kong nakilala si pamela or pam. well, nakatayo lang kasi ako malapit sa pinto ng papasukan naming bagong klase then inapproach niya ako. may gulat effect pa yun pero hindi ko pinahalata kasi baka matakot sakin haha bigla kasing pumunta sa harap ko tapos sinabi nyang "akiyo right?" at pagkatapos niyan lagi na kaming magkasama kung san may pumunta ang isa sa amin. ewan ko kung bakit pero yun ang tingin ko.

sa kubo or tambayan ko nakilala ang ibang member ng yhawazzaf. si cendy ang sunod kong nakilala pero hindi kami ganoong ka close pa. yun ang tanda ko. minsan nag open ako kay pam ng mga negatives nila pero hindi ibig sabihin noon na ayaw ko sa kanila. ewan ko ba kay pam kung bakit nadulas siya at nasabi niya sa iba yung mga ayaw ko sa kanila. grabe sa twing naaalala ko iyon nakakahiya kasi kapag nonsense yung nangyayari sa buhay ko o wala talaga akong interest sa bagay mabilis kong kinalilimutan tapos nirerecall nila tapos wala talaga akong maalala kasi wala lang sakin yun.

ang sabi ko kay cendy na lagi siyang nangyayapos although sweet ang tingin ko sa kanya pero nakakailang paminsan minsan, si april naman violente ang gaan ng kamay niya sakin at sa ibang tao, si grace naman prangka type kaya minsan hindi mo alam kung nagbibiro lang kasi laging prangka, at si lola naman este si eliza pala e bawat salita niya may kasamang mura.

sa mga pinagsamahan namin mahirap ding kalimutan ang mga moments na magkakasama kasi. haha ang drama. kanya-kanyang blogs to oi,.. haha

END

PS Habol pa kayo?

Monday, January 18, 2010

Bagong taon na naman, ika nga ng iba bagong buhay. ano kaya yun? haha ano bang bago sakin? ano nga ba? sa tingin ko naman kung meron masasabi ko agad. gaya parin ng dati madami parin akong gustong gawin kahit bata pa ako. hindi ko alam kung paano sisimulan. gusto ko sumali sa KNN(kabataan news express) matagal ko na yang gustong salihan pero sa kasamaang palad wala talagang pag asa. haha

ahh oo nga pala inoperahan ako sa appendix, tapos nahinto ako sa pag aaral ko dahil inoperahan nga ako. kulit. magpahinga na lang daw muna ako at ngayong june nalang daw ako papasok. kahit na ayaw ko sa T.U.P (ewan ko ba kung bakit?) wala na akong magagawa kasi sinuhulan na ako ng mama ko. ibibili niya daw ako ng laptop pag uwi niya ng pinas, nasa brunie siya ngayon! BOOM! haha ayun at ang babaw ng kaaligayahan ko. engineering ang pinapakuha sakin pilit ako nyan ah pero nasuluhan talaga ako dahil sa kapangyarihan ng teknolohiya. ano daw?

kung mangyayari lang sana ang gusto ko sa manila ako pumasok. sa isang dorm ako nakatira. ako naglilinis ng kama ko, aasarin ako ng mga tao sa kwarto, magkasakit ako sa loob ng kwarto tapos hahawaan ko lahat ng kasama ko, umuwi ako ng gabi, magbulakbol, padalhan ako ng pera panggastos ko, mag aral ako sa maingay na kwarto, matulog sa kama ng borm, kumain sa labas ng dorm, umuwi ako ng bahay namin once a month. ang saya di ba? kung iisipin mo.

dati kong gusto ang engineering as in civil dahil gusto kong magpatayo ng malaking bahay na kahit bumagyo ay hindi matutumba, walang pumapatak na tubig sa bubong dahil sa magaling kong skills. bwahaha!

ano naman kaya ang isusunod kong ikwento.. haha

Saturday, November 7, 2009

My chatmate

Note: Hindi ko na lang ilalagay ang name niya for privacy. Ilagay na lang natin sa pangalang Tita.

At first, hindi kaagad ako nagtitiwala sa mga taong nakakachat ko hindi dahil wala akong tiwala for security ko lang kasi nowadays alam naman natin ang pakikipag eyeball sa hindi natin kakilala ay pwede din nating ikapahamak.

Una kong nakita ang Capricorn group sa friendster at sumali ako. May mga ilang friendster users ang nag add sakin pero isa lang ang nakita kong active and she really appreciates my post in bulletins at ang sukli ko sa kanya ay magpasalamat ng marami dahil sa pag puri niya sakin. Habang nagviview ako ng topics sa capricorn group nag post ako ng e mail ko sa yahoo messenger at inadd ako ni Tita.

One time nabati ako ni tita para mangamusta. Doon nagsimula ang pagcha chat namin ni tita. Sinabi niya sa akin na natutuwa siya sakin dahil sa mabait akong bata. Hehe. Nasabi niya din sakin na I have to deserve something. Natuwa naman ako kasi uuwi siya ng pilipinas para magbakasyon. Sinabi ko sa mama and papa ko na may pasalubong sakin si tita.

Natuwa din ang mama and papa ko and they gave a piece of advice na mag ingat lang kung sakali. Naniniwala naman akong kelangan ko din mag ingat. Nung sinabi na sakin ni tita na mag kita na kami bigla kong sinabi sa mama ko para samahan ako at sumama din ang lola ko. Nanay ko kung tawagin. Hehe.

Nagkita kami sa Jollibee and dun kumain. Inabot niya sakin ang webcam. Yoon daw ang regalo niya sakin and nagpasalamat ako. Nagkakwentuhan pa ang mama't nanay ko and nagpapicture bago mag paalam. At now nagkakachat parin kami at pagbumalik na daw siya sa states may regalo daw ulit ako. I wonder what is it? Hehe

And maraming salamat kay tita kasi napakabait niya sa kapwa.

Tuesday, September 29, 2009

My College School

Noong mga ilang linggo na ako sa school na aking pinapasukan wala sa isip ko na lumipat ng ibang school pero ngayon nakapagdesisyon na ako. Ayoko talagang lumipat pero kailangan. Hindi ko alam kung bakit pa ako lilipat ng ibang school pero mas makakabuti na iyon.

ito ang mga reason kung bakit ako lilipat ng school, hindi naman kasi ako lilipat ng walang dahilan at gusto ko na talaga sa school ko ngayon at sa kurso ko. Noong una kasi maganda pa ang performance ko although hindi naman nababawasan. matataas lahat ng grades ko at satisfy na ako doon. pero noong midterm hindi kaagad ako nakapagbayad sa tuition at nagspecial exam ako. frustrated ako dahil bumaba ang grades ko pero hindi naman gaano wala paring bagsak. tapos pre-finals na namatay ang lola ko kaya hindi ako nakapasok ng almost 1 week kasama na dyan yung pag uwi ko ng cavite bigla akong nilagnat pero pinilit ko pa ding pumasok kahit na pinauwi na lang ako kasi hindi ko na kaya, napunta lang ako sa clinic kahit na ayaw ko pero pinilit lang ako ng professor ko.

Pagkatapos nyan mag-e-exam na ulit para sa pre finals. pero hindi na naman ako nakapagbayad gawa ng lola ko na namatay. naubos ang pera namin sa ospital dahil sa diabetis ng lola ko at sa pagpapalibing. doon medyo naisip ko na parang gusto kong lumipat ng school kasi ang papangit ng mga grades ko. totoo talagang pangit para sa akin kasi bumabagsak na ako. naging sakitin ako bago pa mamatay ang lola ko kaya hindi na ako nakakapasok.

Nahuli na din ako sa studies namin pero pinilit kong makahabol.

Finals na namin para sa unang semester pero dito na ako nakapagdecide na huminto. Dahil sa inoperahan ako sa appendix ko. nabigla ako dahil ooperahan ako kasi hindi ko expected na ooperahan ako. tsaka nga pala umabot na ako ng finals na kaonti lang ang pasok, gahol sa na oras para sa studies, dahil ito sa mga suspended na klase. dahil nga pala sa inoperahan ako matatagalan bago uli ako makapaggawa ng mga activities ulit.

At tsaka samahan mo pa ng mga bagyong dumadating sa pilipinas. Halatang ayaw na talaga akong papasukin. hehe

Bago ko makalimutan sa manila na ako mag aaral. hindi naman ayoko dito sa cavite pero sa tingin ko mas makakabuti iyon para sa akin.